Faye's profile::Crossroads and Complex...PhotosBlogListsMore Tools Help

::Crossroads and Complexities::

An endless journey to a complete me

Faye Fadrigon

Interests
daydreamer...
No list items have been added yet.

Horoscopes

Loading...
Photo 1 of 9
Thanks for visiting!
Please wait...
Sorry, the comment you entered is too long. Please shorten it.
You didn't enter anything. Please try again.
Sorry, we can't add your comment right now. Please try again later.
To add a comment, you need permission from your parent. Ask for permission
Your parent has turned off comments.
Sorry, we can't delete your comment right now. Please try again later.
You've exceeded the maximum number of comments that can be left in one day. Please try again in 24 hours.
Your account has had the ability to leave comments disabled because our systems indicate that you may be spamming other users. If you believe that your account has been disabled in error please contact Windows Live support.
Complete the security check below to finish leaving your comment.
The characters you type in the security check must match the characters in the picture or audio.
June 03

Visitor in my room...

The trouble with living alone is that there are a lot of things that are hard for me to handle (no. 1 in the list is cooking, haha!)

I once saw a little mouse inside a trash bin, cowering in the corner...Back home, the standard procedure (hehe) for this kind of scenario is to call my father and he would easily handle the situation.. He would get a stick and just hit the mouse with it.Sczhwiiiing! it's dead. (sorry for the description). But how could I do such a thing to that little mouse inside the trash bin, wearing the "puss-in-boots" expression on its face? So I just took the bin on the street and let the mouse go, hoping that it will remember how a good Samaritan I have been and won't return to the house and be a pest.

However, what I did with the mouse cannot be applied to my visitor this afternoon. I really freaked out when I saw a large spider in my room. Waaah! I sprayed it with an insect-killer while convincing myself that although it is quite big, (bigger than my palm), it is still considered as an insect. And although we don't see a pictures of spiders in insecticide cans, it could still be killed with it... (Tao nga, namamatay sa Baygon, gagamba pa kaya? :P) I remembered the movie, Arachnopobia. Waaah!! scary!

After 2 minutes, it was still crawling, or should I say strolling, around the room... but after awhile, its legs were all tuck together, and I hope that it's dead. mwahahahahaha! (*evil laff*)

---dapat si Edward Cullen na lang ang visitor ko sa room. hahah! Twilight's sequel, New Moon, coming soon. :P

 

taken using my oldie and goodie mobile phone.. and it's the closest that I can get.

July 23

The Buzz with Manny Pacquiao

Andito ako ngayon sa Angeles City. Dahil andito yung computer namin at wala sa Bulacan, naipon na ang mga entries ko at malamang huli na ako sa pagbabalita.
 
Napanood ko sa The Buzz dati si Manny Pacquiao, iniinterview ni Kris Aquino, Boy Abunda at Cristy Fermin. Hala, may second album  pala na irerelease si Manny. At tanong nila, totoo daw ba na magkakaron sya ng starring role with Aga Muhlach and Regine Velasquez? Totoo din daw ba na Love triangle ang story ng movie nila? Tanong ni Boy: Sino sa palagay mo ang pipiliin ni Regine? Si Aga or ikaw (Manny Paquiao)? ah, eh... excuse me?!?!!?! Bias lang ba ako dahil Kapuso ako at hindi Kapamilya, or talagang nakakaumay yung napanood ko? Anuver? Seryoso ba sila sa tanong nila, or talagang inuuto nila si Manny? Oh well, kung nakita niyo ang expression ni Manny nun, parang gusto pa nyang sumagot ng "Ako!" dun sa tanong ni Boy. Naks! ang guapo... hehehe.
 
Hindi ko na tinapos yung The Buzz.. Natulog na lang ako.
June 23

Random Ramblings from GirlTalk

Zhen has introduced me to GirlTalk, and here are some random questions that I got from the site. I just want to share my answers to you.
 
 
What are you craving for right this very minute?
    sleep... 8-10hrs of sleep

What's new with you today?
    a new site to love. GirlTalk by femalenetwork.com. I love the message boards.

Where are you planning to go this weekend?
    to a good restaurant... for a good plate of pasta and salad.
    swimming on sunday.

Person you miss right now:
    my friend from Australia.

How much did you spend today?
    (6+12+70...) as of 12am, P88.

What is your mood today?
    mood? um, plain? mood ba yun? "wala lang" mood. hindi galit, hindi malungkot, hindi overjoyed... plain.

What did you do today?
    sleep, then watched TV.. Peter Pan on HBO.

Pasaway ako today kasi...
    una ko pang tinapos ang entry ko kesa sa ARs. hehehe. at feel kong matulog mamaya.. mamayang wala na ang TL ko. shhhh! wag kayo maingay.

Mga naaalala mong funny/memorable local commercials na wala na ngayon:
    Wala akong maalala... hindi sila memorable kung ganun. :)

Do you have gay friends?
    male friends, yes. gay? di ko sure. hahaha!

Do you party?
    not really.

What can cheer you up when you feel sad?
    it depends.. minsan chocolates.. minsan malling.. minsan, a good conversation with a friend.. or a new friend... or a very funny story that could take my sadness away.

Gaano katagal ka magbihis? 
    bihis lang? wlang ligo? heheh.
    ligo+bihis+makeup, etc... 1hr
 
What is your favorite day of the week? 
    thursday. hindi ko alam kung bakit.
 
I've never... 
    bungee-jumped... but i would like to try it.
 
Today, I am crazy about...
    browsing... petix mode.
 
Have you tried illegal drugs? 
    not yet... joke! never.
 
If you could be someone else, who will it be and why? 
    Oprah Winfrey... tapos pupunta ako sa Bulacan, hanapin ang Fadrigon Family, at bibigyan ko sila ng P5M. wala lang, feel ko lang silang bigyan. Lalo na yung bunso nila. hehehe
 
What is your dream job? 
    to be a flight attendant? travel and leisure... and lotsa lotsa money... sigh... (daydreaming mode: ON)
 
Ano luho mo?
    luho na di laging nasusunod... shopping (clothes, shoes, electronic gadgets...) buying books... basically, gumastos.
 
What made you smile today? 
    my friend's comment about the pic that I sent her.
 
Kinakabahan ako kapag... 
    job interview na. at kapag umuuwi ako ng gabing-gabi
 
One country that you would like to go to
    France!
 
Hold up scene: "kunin niyo na po lahat wag lang ang..."
    wag lang ako.. hehehe.. kidnap na yun pag ganun. "kunin niyo na po lahat wag lang ang cellphone ko."
June 21

Wrestlemania Wednesday

 Namasyal na naman ako sa Jingle folder ng Mongsters, Inc. This time, sa Geek's Phreak naman. Hanep pala dun, puno ng mga theme songs.. Naaliw ako.
 
May theme song ng X-men, Indiana Jones, Superman...
 
Favorite animes ko: Doraemon, Ranma 1/2, Fushigii Yuugi...
 
At saka... (tadaaaaa!)
 
WWF!
 
Kaso dalawa lang. Kay Ultimate Warrior lang at saka kay Shawn Michaels.
 
Naalala ko pa, adik ako nung bata ako sa wrestling. Kapag nagbabakasyon ako sa Angeles, panay ang dasal ko na sana mapasyal sila sa Ch.13 at manood ng wrestling.
 
Nung first year high school ako, nakakanood pa ako ng wrestling match kahit na may exams kinabukasan. Minsan napapagalitan ako, pero as long as nakareview na naman ako ng lessons, ok na din sa nanay ko. nakikinood pa nga sya e. Favorite nya si Ultimate Warrior... ako din. Dati si Hulk Hogan, pero tumatanda na ang lolo natin kaya kay Ultimate Warrior na. Buti na lang mabait sila pareho (image) at di sila naglalaban. Nagkakatagpo lang sila sa Royal Rumble.
 
Hindi ako mahilig manood ng boxing noon, pero kapag wrestling, tumataas ata ang blood pressure ko kapag kinokontra ng kuya ko yung bet ko... at mapapatayo pa ako sa kinauupuan ko kapag nanginginig na si Ultimate Warrior. Paniwalang paniwala talaga ako na nakakarecharge talaga sya ng energy nya pag nanginginig na sya... Lagot na ang kalaban!
 
Ilang damit na ba ang napunit ni Hogan. Nagsawa ba kayo sa yellow trunks nya?
 

 
 
Nung 2nd year, hindi na ako autistic pagdating sa wrestling.. me kachikahan na ako sa school. May transfer student kasi na adik din sa wrestling... at sobrang adik, nagpatahi pa sya ng jacket na may pic ni Bret "The Hitman" Hart sa likod. Take note, pink na pink na jacket.Name niya is Eileen. at dun nagstart ang friendship namin (awwww!). P500 ata ang nagastos nya (1995, malaking halaga na ang 500 noon.) Maganda yung jacket because it's pink... pero hindi ako satisfied sa pagkakaburda ng mukha ni Bret.. hindi nya kamukha. 
 
Para sa akin, si Bret ang pinakamabait sa lahat ng wrestlers noon. Inaway sya ng kapatid nya na si Owen Hart, chinallenge sya, pero ayaw nyang patulan... pero pinatulan na din nya in the end.. Hmp! angas ni Owen. 
 

 

 

Isa pang nakalaban ni Bret Hart e si Shawn Michaels. Pero bago pa sila naglaban, nilagay ko pa ang poster ni Shawn sa binder na ginawa ko. Nasa loob sya, si Vince Hizon naman ang nasa likod,hehehe. Salamat sa suki kong sports magazine na inintroduce din sa akin ni Eileen.

 

Kaso, nung naglaban na sila ni Bret, ayaw ko na sa kanya... pero hindi ko pa din tinanggal sa binder ko yung pic nya. sayang eh. masisira yung binder. 
 

The Undertaker. Dito kami hindi magkasundo ng taste ni Eileen. Crush nya daw si Undetaker. Ngiii! e takot na takot naman ako dun.

 

Wrestlemaniac... Wrestlemanic Wednesday... noon yun. pero ngayon, wala. hindi na ako nanonood.. nagising na ako sa katotohanan na peke ang wrestling... na drama lang yun (oo, hindi yun totoo. niloloko lang nila tayo). Pero infairness, ang galing nila umarte. ang tagal nila akong napapaniwala. Lalo na yung isang tito ko.

 

Kwento lang ng nanay ko sa amin ito noon. Yung tito ko daw, nanood ng wrestling. E kaso, natalo yung bet nya. papanoorin na lang daw nya sa replay kasi baka manalo na yung bet nya. Hehehe.

 

Joke lang ba yun? Ang pagkakatanda ko e true to life.

 

P.S. Sa sobrang fanatic ako ng wrestling noon, nag-away kami ng ate ko at dahil pasaway akong bata, niwrestling ko sya. hehehe. the morning after, hindi ako makaubo sa sobrang sakit ng katawan ko. hehehe

June 20

Mental Break

Nung thursday, may inumpisahan ako na entry. pero hanggang ngayon, draft pa din sya kasi ang tagal ko ding nawala. 3 days (este, nights).

Sa totoo lang, ang sarap magbakasyon. Mental Break, sabi nga nung nakasabay ko minsan sa isang training.

Hmmm.. meron bang emotional break?
 
Friday
 
Pagkagaling ko sa office, direcho na ako agad sa bahay. konting chika with Caren, then tulog na. Kailangan kong makatulog agad kasi pupunta kami ng isang friend ko sa UP. sasamahan nya ako para sa follow-up ng TOR. (bago pa ulit mawala sa akin yung form ko, kailangang matapos ko na yung requirements).
 
Sa UP, nanakot pa ang mga ulap. Pareho kaming walang dalang payong ng kasama ko, at parang bully sa school, paunti unti ang patak ng ulan habang nilalakad namin yung daan papuntang Registrar. Kami naman, lakad-takbo para lang hindi kami abutan ng ulan. (ang tanga naman namin, bakit kaya di kami sumakay ng jeep. engerts!heheh)
 
Pagdating sa Registrar, fill out ako ng form. Then tinanong ko yung isang staff kung ano ang ilalagay ko dun sa isang part. Walang sali-salita, kinuha nya yung clearance form ko from Clark, staple yung Clearance form na kakafill-out ko lang, then tinabi na nya yung papers ko.
 
Hindi ko na daw kailangang fill-out yung ibang parts nung form, saka wala na akong babayaran pang iba kasi hindi naman ako dun graduate.
 
Nyeh! yun lang yun?? Kung alam ko lang e noon ko pa pala dapat natapos yung request ko. matagal pa nilakad namin, kesa sa tinagal namin sa office.
 
At requirement ba talaga sa mga government employees na monotone magsalita? ay naiiba din pala minsan. May tonong galit, at may tonong walang pakialam. Yung nakausap ko nung araw na yun, tonong walang pakialam.
 
After namin sa UP, direcho kami sa SM Mall of Asia. Asteg! ang laki. yung nacover namin na area e parang nilibot lang namin ang Starmall.Kailangan mong magdala ng rollerblades para mapuntahan mo lahat.. or Day1, Day2 ang drama mo.
 
Anong impact nito sa economy natin? magiging mas maluho ba ang mga pilipino? mas magastos? at yayaman ba lalo ang mga investors?
 
Seryoso? Hehehe.
 
Seryosong sumakit ang binti ko nun.

 
Saturday
 
Mental break ba ika mo? Emotional break? Isigaw lang yan sa EK.. Awu-hooooo!!!
 
5x sa Anchors Away. 2x sa Flying Fiesta. 2x sa BumperCar. Once sa Rio Grande. Akala ko nung una, maaatim ko ang pagsakay sa Space Shuttle, pero nung sumakay kami ng Jungle Log Jam, nanlambot na ako para sa Space Shuttle.
 
Grace: (habang paakyat ang Log namin sa pinakamataas na part (fall?)) Put******, pwede bang magyosi muna???
 
hahhahha!
 
parang pati ako, gusto ko din mapayosi sa mga oras na yun sa sobrang kaba.
 
pagbagsak namin, ayun, buhay pa din kami. Obvious ba? hehehe
 
Rialto... walang effect. Natatawa ako nun kasi naalala ko yung episode sa Mr. Bean. Yung bored n bored sya sa same din na ride.
 
4D. Wala din. Luma na ang palabas. me libre namang hilamos. hehehe
 
Pictures. Pictures. Pictures.
 
Ayos.Sagana sa pictures. Salamat sa mga nagdala ng camera. hehehe

Sunday
 
Fathers Day.
 
Belated Happy Fathers day sa mga fathers ninyo.
 
wala akong nabiling gift para sa tatay ko. pero sabi ng nanay ko, oks lang daw yun, basta kumpleto kami.
family day. kumpleto nga kami. pati pakners ng mga kapatid ko. Ako, kahit anino ko e hindi ako naescort-an nung araw na yun kasi makulimlim. Buti na lang at madami akong baong kwento noon.
 
Pagdating ng hapon, miniconcert sa bahay kasi dala ng ate ko ang magicsing nila. (Regine Velasquez: WOW! )
 
Pagdating ng gabi, luwas ulit to meet Sweet. Kinabukasan, hatid sa airport, then uwi na ulit sa mandaluyong para magpilit ng tulog para sa GY shift ngayon.

Ngayon
 
May nadiscover ako sa Groove Nation folder nina Jon. Kanina ko pa ito pinapatugtog. Ang saya kasi.
 
BSB or N'Sync? Hanson or Moffats (mah-fets)?
 
Mmmbop, ba duba dop ba do bop,
Ba duba dop ba do bop,
Ba duba dop ba do. oh yeah,
Mmmbop ba duba dop ba do bop,
Ba duba dop ba do bop,
Ba duba dop ba do
 
Hanggang ngayon e hindi ko masabayan yang kanta na yan, except chorus. Pero Hanson pa din ako. BSB or N'Sync, N'Sync ata ako nun. hehehe.